Bakit maging isang ahente?
Ilalaan namin sa inyong kompanya lahat ng alalay sa kalakal, pagsasanay at kasangkapan na maaari ninyong kailangan. Walang bayad sa pagpasok at hindi kailangang bumili ng anumang kalakal. Ang aming platapormang elektronikong batay sa web ay papahintulutan kayong mamahala ng inyong kalakal sa mabilis at mabisang paraan habang ang aming pangkat ng Serbisyo sa Kinatawan ay matatawagan sa anumang panahon upang matulungan kayo sa paglunas ng anumang tanong at palakihin ang inyong kalakal.
Nag-aalok kami ng maiinam na komisyon sa aming mga kinatawan sa bawat operasyong ipalakad nila sa amin. Gayundin, nag-aalok kami ng maiinam na halaga ng palitan sa aming mga kliyente upang masiguro ang tuloy-tuloy na paggamit ng aming mga tatak, sagisag na sigurado at matitiwalaan sa padaigdigang larangan ng mga serbisyo sa pagpapadala ng pera.
Titiyakin namin na ang pangalan ng Small World at ng mga sangay nito ay nakikita ng lahat. Nagbubunsod kami ng mga promosyon buong taon, kasama na ang TV, radyo, mga pahayagang pambansa at mga tanghalan na may kinaukulan sa larangan. Ilalaan namin ang lahat ng kasangkapang pang-promosyon na kakailanganin ng inyong tanggapan.
Hindi lang namin dadagdagan ang inyong kinikita sa pamamagitan ng isang gawaing walang panganib, kundi maaari din kayong mag-alok sa inyong kliyente ng karagdagang serbisyo upang makaakit ng mga bagong suki.
Kasama na sa aming mga kinatawan ang ilang tindahan ng pahayagan, mga ahensiya sa paglalakbay, tindahan ng pagkain, barbero at pakulutan, kapeterya, mga serbisyo ng pagpapadala ng pakete, atbp.
Maraming wika
Ang Small World ay nangangatawan ng maraming kultura at ang aming pangkat ay nagsasalita ng inyong wika.
Kumita nang higit
Ito ay isang magaan na paraan upang kumita nang higit sa inyong kalakal sa pamamagitan ng komisyon na matatanggap sa bawat operasyon.
Kasangkapan bilang alalay sa propesyon
Ilalaan namin ang lahat ng kasangkapang promosyonal na kakailanganin upang makaakit ng karagdagang mga kliyente at palakihin ang inyong kalakal.
Karagdagang kliyente
Ang kalakal ninyo ay tutubo sa mga bagong kliyenteng makakakilala sa amin at magtitiwala sa atin.